Recent Posts

Breaking News

Bayanihan 2 sa Lunes pa mararatipikahan – Drilon

Sa Lunes pa inaasahang mararatipikahan ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2 dahil hindi tapos ang bicameral conference committee nito, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“Mamayang alas-10 po mayroon na naman kaming pagpupulong at sisikapin naming matapos hanggang mamayang gabi at mara-ratify ito sa Lunes,” pahayag ni Drilon sa panayam sa radyo.

Sabi ng senador, nabitin ang bicam matapos magtalo ang Senado at Kamara sa probisyon sa ayuda sa sektor ng turismo.

“Hay naku! Isa po ‘yan sa mga natitirang tatlo o apat na isyu. Isa doon ‘yung masalimuot na P10 bilyon para sa tourism sector,” sabi ni Drilon.

“Ang version ng Senado, P10 bilyon para sa mga nahirapang kumpanya, doon sa mga tourism enterprises… Ang inisyal position ng House ay ‘yung P10 bilyon at gagawing kalsada,” dagdag pa nito.

Sa bicam noong Miyerkoles, inisyal na napagkasunduan ang alokasyon an P1 bilyon sa tourism infrastructure, P3 bilyon n ayuda sa mangggawa ng turismo na nawalan ng trabaho at P6 naman sa loan o pautang.

Subalit hindi pumayag ang miyembro ng Kamara sa bicam at iginiit na ilaga ang P10 bilyon stimulus aid sa infrastructure project.

“Ayaw talaga ng House of Representatives. ‘Yan talaga ang isang masalimuot na debate,” ayon kay Drilon.

The post Bayanihan 2 sa Lunes pa mararatipikahan - Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayanihan-2-sa-lunes-pa-mararatipikahan-drilon/)

Walang komento