Recent Posts

Breaking News

Bayan Muna pumalag sa Ex-Marcos SolGen

Ang tindig ni dating Solicitor-General Estelito Mendoza, ayon sa Bayan Muna, ay hindi nakadepende sa batas ni sa Konstitusyon kundi sa opisyal na gusto nitong paboran.

Tugon ito ng grupo matapos ipabasura ni Mendoza ang mga petisyon sa Korte Suprema na hinahamon ang anti-terrorism law, sa batayang wala raw “actual controversy” ang mga petisyon.

Hiniling din ng martial-law solgen na maging friend of the court dahil “naniniwala siyang ang karanasan niya sa mga isyung may kaugnayan sa mga naturang kaso” ay makatutulong sa SC na maresolba ang mga petisyon.

Sa isang pahayag, pinunto ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares na “walang legal at constitutional na batayan” ang ginigiit ni Mendoza.

“Atty. Mendoza may be unaware of the latest jurisprudence recognizing facial challenge petitions against laws considered overbroad or vague and therefore violative of constitutional rights,” wika ni Colmenares.

Pinarerebyu rin niya ang veteran lawyer ng batas gayong naghain ito ng mga petisyon na katulad ng tinutuligsa nito ngayon.

“We ask Atty. Mendoza to brush up on his review of jurisprudence and not rely on his becoming a friend of the Court. Atty. Mendoza’s latest position is strange, however, because Atty. Mendoza has himself previously filed facial challenge petitions in cases where it suited his interest,” dagdag niya pa.

Binanggit naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang paghahain noon ng petisyon ni Mendoza sa kaso ng appointment ng papalit kay Chief Justice Reynato Puno kahit hindi pa bumababa sa puwesto ang huli.

“In that case, even Atty. Mendoza admitted that there was no actual controversy since the Chief Justice has not yet retired, and worse, the successor Chief Justice has not even been appointed because the Judicial Bar Council has not even submitted its list of aspirant justices to Pres. Gloria Arroyo.”

“Yet, Atty. Mendoza finds no problem in filing a premature petition then, while opposing petitions he claim to be premature now,” dagdag ni Zarate.

Ayon pa sa Davao-based solon, kung dati ay pinaboran ni Mendoza si Pangulong Gloria Arroyo, ngayon naman ay para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“His legal positions do not mainly depend on statutory and constitutional grounds but on who he wants to favor in a case,” sabi pa ng Bayan Muna representative.

The post Bayan Muna pumalag sa Ex-Marcos SolGen first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayan-muna-pumalag-sa-ex-marcos-solgen/)

Walang komento