Recent Posts

Breaking News

Bawas suweldo para sa PhilHealth itigil!

Dapat na magkaroon ng moratorium o suspensyon ng mandatory payment sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) matapos na sumingaw ang umano’y korapsyon sa naturang ahensya.

Ayon sa public policy think tank na Infrawatch, dapat ay hindi muna magbayad ng kontribusyon ang mga miyembro habang gumugulong ang imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth.

“Unless there is policy clarity on reforms relating to Philhealth’s leadership and fund life, there should be a moratorium on compulsory remittances by members to the state health insurance firm,” ayon kay Infrawatch PH convener Terry Ridon.

Bukod pa dito, ito’y para matapalan din ang kinukuha sa mga miyembro gayong sinabi ni PhilHealth acting senior vice president Nerissa Santiago na posibleng mabangkarote na ang ahensya pagdating ng 2022.

“The moratorium is justified: government will be setting up the public towards another heartbreak if they cannot avail of their benefits by next year. Government should step in to plug the leaks and change the agency’s top management,” saad pa ni Ridon.

Sa Martes nakatakdang ituloy ang pagdinig ng Senado ukol sa korapsyon sa ahensy, kung saan ayon sa nagbitiw na anti-fraud legal officer na si Thorrsson Montes Keith ay abot umano sa P15 billion ang nabulsa ng mafia sa PhilHealth.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bawas-suweldo-para-sa-philhealth-itigil/)

Walang komento