Recent Posts

Breaking News

Batas sa `Designated Survivor’ ipasa na – Lacson

Sa gitna ng mga pagdududa hinggil sa kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nais ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na maipasa na agad ang batas para sa “Designated Survivor” upang maiwasan ang constitutional crisis sakaling mabakante ang liderato.

“Ang mabilis na pagsasabatas nito ay magsisilbing lunas sa limitasyon sa isinasaad ng Saligang Batas tungkol sa pagpasa ng liderato ng bansa o line of succession bunga ng mga `di inaasahang pangyayari,” sabi ni Lacson.

Ang mga hindi inaasahang pangyayari o “exceptional circumstances” ay katulad umano ng terorismo.

“Because of the failure of Congress to pass the necessary legislation in extending the line of succession beyond the Speaker of the House of Representatives, a constitutional crisis is possible if all four top elected officials, God forbid, die in one event such as the SONA due to a terrorist attack in the Batasang Pambansa, or any occasion where the President and all three officials in the line of constitutional succession are present,” sabi ni Lacson.

Sa ilalim kasi ng 1987 Constitution ay sakop line of presidential succession ang Vice President, Senate President at House Speaker.

Kapag nangyari umano ang ganitong trahedya ay walang magsisilbi bilang acting president dahi ang constitutional lince of succession ay hanggang sa House Speaker lamang.

Ayon kay Lacson, umaasa siyang agad na magsagawa ng pagdinig ang Senate committee on constitutional amendments and revision of codes and laws hinggil sa Senate Bill No. 982 na kanyang inihain noong Agosto ng nakaraang taon pa.

Mungkahi pa ng senador na puwede rin siyang italaga bilang subcommittee chairman para ma-sponsor at idepensa ang mahalagang panukalang ito sa Senado.

The post Batas sa `Designated Survivor’ ipasa na - Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/batas-sa-designated-survivor-ipasa-na-lacson/)

Walang komento