Recent Posts

Breaking News

Banas sa minadaling bakuna! Top Russian doctor nag-resign

Umalis sa ethics council ng Russia health ministry ang isang doktor dahil sa umano’y paglabag sa ethics ng pagmamadaling marehistro ang COVID-19 vaccine na Sputnik V.

Nagbitiw si respiratory specialist Dr. Alexander Chuchalin matapos nitong banatan ang Russian government sa pag-apruba sa bakuna.

Ito’y matapos harangan ni Chuchalin ang registration ng bakuna dahil sa usapin ng pagiging ligtas nito, kung saan pinaratangan niya sina Prof Alexander Gintsburg, director ng Gamaleya Research Centre for Epidemiology and Microbiology, at Prof Sergey Borisevich, medical colonel at Russian army
top virologist na apurahin ang produksyon ng Sputnik V.

“I am depressed by the position of some of our scientists who make irresponsible statements about ready-made vaccines,” ayon kay Chuchalin.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/banas-sa-minadaling-bakuna-top-russian-doctor-nag-resign/)

Walang komento