Recent Posts

Breaking News

Balasahin mga opisyal ng PhilHealth – Drilon

Kailangan pa ring magkaroon ng ‘top-to-bottom’ na reorganization sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kahit pinababa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng ahensiya na si Ricardo Morales sa gitna ng alegasyon ng katiwalian sa state insurer, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“It is a welcome development. However, as long as the general structure of the corporation remains the same, corruption will continue,” pahayag ni Drilon sa isang statement.

“What PhilHealth needs now is a top-to-bottom cleansing in order to get rid of individuals who used PhilHealth as their personal ATM. Sa gitna ng pandemya, ginawa nilang personal na bangko ang PhilHealth,” dagdag pa nito.

Ayon kay Drilon, ipinanukala niya sa report ng Committee of the Whole na payagan ang pangulo na mag-reorganize sa PhilHealth.

“The long history of corruption within the corporation, across all levels, may be addressed by passing a law that would authorize the President to reorganize PhilHealth. This reorganization must be accompanied by a well-studied reorganization plan,” sabi ni Drilon.

“We need to ensure that only the most competent and honest people are appointed to PhilHealth. Please do not appoint scalawags or people who turn a blind eye to corruption. We need people who have zero tolerance for corruption,” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Drilon, dapat ding sigurihin ng gobyerno na “fit and proper” ang itatalaga mga opisyal ng PhilHealth.

“The fit and proper rule should be strictly applied. The officials must be chosen based on their integrity, experience, education, training and competence, among others,” ani Drilon.

Hinikayat din nito ang PhilHealth na i-upgrade ang kanilang system nang sa gayon ay maputol na ang katiwalian sa ahensiya.

“The use of information technology (IT) in the healthcare industry is known to promote efficiency and reliability in the delivery of healthcare services. PhilHealth should simply outsource to a reputable company the provision of its IT services,” ayon pa kay Drilon.

The post Balasahin mga opisyal ng PhilHealth - Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/balasahin-mga-opisyal-ng-philhealth-drilon/)

Walang komento