Recent Posts

Breaking News

Bakuna posible sa ‘Pinas sa Q2 2021 – DOST

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), posibleng maging available na sa mga Pilipino ang anti-coronavirus vaccine sa second quarter ng taong 2021.

Magsisimula naman daw ang clinical trial sa bansa pagsapit ng fourth quarter ngayong taon.

“If we’re talking about the availability en masse, we believe this [COVID-19 vaccine] is going to be happening in the second quarter of next year,” sabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevarra sa isang online media forum ngayong Miyerkoles.

Si Guevarra ang pinuno ng Sub-Technical Working Group sa Vaccine Development at and DOST Undersecretary para sa Research and Development.

Bukod sa Russia ay nakikipag-usap ngayon ang Pilipinas sa hindi bababa sa 16 pang vaccine manufacturer worldwide para magkaroon na tayo ng lunas laban sa respiratory illness.

Samantala, pinaalala ni WHO Western Pacific director Dr. Takeshi Kasai na dapat pagbutihin ng mga gobyerno ang pagtugon sa pandemya at hindi lang maghintay sa madedebelop na bakuna.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakuna-posible-sa-pinas-sa-q2-2021-dost/)

Walang komento