Recent Posts

Breaking News

Bakit puro imported gusto? Mga Pinoy PPE maker dismayado sa DOH

Kinuwestiyon ng mga local maker ng personal protective equipment (PPE) ang gobyerno, partikular ang Department of Health (DOH), kung bakit mga imported na PPE ang pino-procure para sa mga health worker gayong pinaparami nila ang kanilang capacity para makatulong sa laban kontra COVID-19 pandemic.

Ayon sa grupong Confederation of Philippine Manufacturers of PPE, hindi nila alam kung bakit patuloy ang pag-import ng gobyerno ng mga PPE, lalo na mula sa China, gayong mas sigurado aniyang ligtas ang locally-made PPE dahil dumaan ito sa mga certification at test na nilatag internationally.

“What is being supplied to the market? We, as local manufacturers, are forced by requirements to fulfill the necessary tests, the necessary certifications, the necessary inspections, to make sure we are providing a safe product, and we are sure we are providing that,” ayon kay CPMP President Lawrence De Los Santos sa press briefing.

Aniya pa, hindi siguradong ligtas ang mga binibiling PPE ng gobyerno lalo’t mas dumadami pa ang bilang ng mga health worker na tinatamaan ng COVID-19.

“There is a certain percentage, a high percentage of our healthcare workers are getting sick of [COVID-19]. My question is, why? Are they being provided the right and the safe kind of PPEs that they deserve?” lahad pa ni Delos Santos.

Giit pa nito, ang ginagawang mga PPE ng CPMP ay pasado sa international testing dahil wala naman umanong test dito sa Pilipinas.

Depensa naman ng DOH, hindi sila ang nagpo-procure ng mga PPE para sa mga health frontliner, dahil trabaho umano ito ng Department of Budget and Management.

The post Bakit puro imported gusto? Mga Pinoy PPE maker dismayado sa DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakit-puro-imported-gusto-mga-pinoy-ppe-maker-dismayado-sa-doh/)

Walang komento