Recent Posts

Breaking News

Bagyong `Igme’ lumalakas habang palabas sa PAR

Posibleng lumabas ang bagyong `Igme’ sa Philippine Area of Responsibility (PAR) gabi ngayong Sabado o umaga ng Linggo.

Base ito sa Severe Weathern Bulletin #2 na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) alas-11:00 ng umaga ngayong Sabado, Agosto 22.

Lumalakas umano ang bagyong `Igme’ bilang tropical storm habang patungo sa direksyon ng Southern Ryukyu Islands sa Japan.

“This tropical cyclone is likely to steadily intensify in the next couple of days. It is forecast to reach severe tropical storm category within 24 hours,” ayon sa PAGASA.

The post Bagyong `Igme’ lumalakas habang palabas sa PAR first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagyong-igme-lumalakas-habang-palabas-sa-par/)

Walang komento