Recent Posts

Breaking News

Babu Elite! Bagong palayaw Blackwater Bossing na

‘Wag mamalikmata kung makita ang ‘Bossing’ sa mga jersey ng manlalaro ng Blackwater.

Ito’y matapos ianunsyo ni Blackwater team owner Dioceldo Sy na magbabago na sila ng bansag para sa susunod na season.

“Hindi na sila Blackwater Elite, Blackwater Bossing na,” ayon kay Sy sa panayam sa ‘The Chasedown’ sa One Sports.

Dahilan ni Sy, nais nilang gawing masa ang pangalan ng kanilang koponan kaya ginawa nila itong Bossing, biro pa na idol din kasi nila si Vic Sotto, na kilala sa naturang palayaw.

“Yung Elite kasi baka di maintindihan ng mga Pinoy. Ang Bossing alam nila kung ano. So Bossing para sa atin elite na yun, kaya yun na lang,” aniya pa.

At dahil dito, target na rin ng Blackwater na kunin si Bossing Vic bilang bagong endorser ng kanilang brand para bumagay sa kanilang koponan.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/babu-elite-bagong-palayaw-blackwater-bossing-na/)

Walang komento