Recent Posts

Breaking News

Ayo nagsalita sa pagtapon kay Cansino, pipi sa Sorsogon training

Naglabas na ng pahayag si UST Growling Tigers head coach Aldin Ayo tungkol sa ilang kontrobersyang bumabalot sa kanilang koponan.

Una nitong tinalakay ay ang nangyaring pagbitaw ng UST kay CJ Cansino sa lineup, kung saan nauwi sa paglipat ng manlalaro sa UP Fighting Maroons.

Saad ni Ayo, may iba’t iba silang paraan para makibagay sa COVID-19 pandemic, at sinabing naging magkaiba ang pananaw nila ni Cansino.

“The circumstances of life today have brought out the marked differences between my orientation in life and the fundamental option of our player CJ Cansino,” ayon kay Ayo.

“We have found that it would be best that we part ways and allow maximum growth for each other. We wish him the Best of Providence in his new endeavor with a different team,” aniya pa, kung saan nagpasalamat din siya sa dating UST captain.

Samantala, hindi naman ito nagsalita ukol sa umano’y ensayo na isinagawa sa kanyang hometown na Sorsogon dahil kasalukuyang gumugulong ang imbestigasyon dito, at dinagdag na nakikipagtulungan siya para sa pagsilip sa naturang insidente.

“Regarding the alleged “bubble training” in Sorsogon, I will not comment for now as UST is already investigating the matter as well as the IATF. I am fully cooperating with the on-going investigations and praying that in due time, this will be properly addressed,” lahad ni Ayo,

The post Ayo nagsalita sa pagtapon kay Cansino, pipi sa Sorsogon training first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ayo-nagsalita-sa-pagtapon-kay-cansino-pipi-sa-sorsogon-training/)

Walang komento