Recent Posts

Breaking News

Ayaw bayaran PH Red Cross! PhilHealth utang papalo sa P1B

Kinakalampag na ni Senador Richard Gordon ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para bayaran ang maglaking pagkakautang sa isinasagawang COVID-19 testing ng Philippine Red Cross (PRC) na mahigit P700 milyon na.

Sa panayam kay Gordon sa CNN Philippines nitong Lunes, sinabi ng senador na kapag hindi pa inareglo ng PhilHealth ang pagkakautang nito sa PRC ay aabot na ito sa P1 bilyon ngayong linggo.

“PhilHealth owed Red Cross P700 million and growing. If they don’t pay in a week it will go to P1 billion,” ayon kay Gordon.

Si Gordon ang chairman at chief executive officer ng PRC.

Sabi ni Gordon, hindi niya inalok ang serbisyo ng PRC bagkus ay PhilHealth ang lumapit sa kanila para magsagawa ng COVID-19 test kung saan ay nagkasundo umano na magbibigay sa kanila ng P100 milyon bilang paunang bayad.

“They came to us, we didn’t offer our services to them. But we were quick. I didn’t ask for favors,” aniya.

Subalit ngayon aniya ayaw na silang bayaran ng PhilHealth kung kaya’t namimiligrong matigil ang mga isinagawa nilang COVID-test dahil nauubusan na rin sila ng stock ng test kit.

“Ang usapan they give us P100 million in advance and replenish. And then they didn’t want to pay us so we can’t replenish,” pahayag pa ng senador.

Kawawa aniya ang mga tao kapag natigil ang COVID-19 testing ng PhilHealth
Sinabi pa ni Gordon na magre-report siya hinggil dito sa International Committee of the Red Cross na nakabase sa Geneva, Switzerland dahil masisira ang reputasyon ng PRC sa pangyayaring ito.

“There is a board. I have to report to Geneva. It might put us on reputational damage,” ayon kay Gordon.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ayaw-bayaran-ph-red-cross-philhealth-utang-papalo-sa-p1b/)

Walang komento