Recent Posts

Breaking News

ASG leader nilipat sa Camp Crame

Nilipat nitong Sabado sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City ang nahuling Abu Sayyaf sub-leader na si Abduljihad Susukan.

Ani PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, dumating si Susukan, misis na si Nafrisa at mga security escort sa Clark International Airport sa Angeles, Pampanga dakong alas-10:32 ng gabi noong Biyernes.

Galing ang mga ito sa Davao City.

Sumailalim si Susukan sa mga documentation procedure at RT-PCR test nang dumating naman bandang ala-una ng madaling-araw sa Camp Crame.

Mananatili siya sa PNP Custodial Center habang hinihintay ang paglalabas ng court disposition.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/asg-leader-nilipat-sa-camp-crame/)

Walang komento