Recent Posts

Breaking News

Army chief atras sa martial law proposal sa Sulu

Binawi ni Philippine Army chief Lt. General Cirilito Sobejana ang kanyang rekomendasyon na isailalim ang Sulu sa martial law matapos ang magkasunod na pagsabog sa lalawigan noong nakaraang linggo.

“I drop my recommendation for martial law declaration over Sulu despite the turmoil, as there might be other better options,” ani Sobejana sa inilabas nitong statement nitong Linggo.

“Besides, I always give due respect to the wisdom of our national leadership and the sentiment of the general public, but I felt it appropriate to share with you that the military had displayed utmost professionalism and maturity during our martial law implementation in Sulu when I was the Joint Task Force Sulu Commander in 2017,” dagdag pa nito.

Matatandaang naganap ang twin bombing sa Barangay Walled City sa Jolo, Sulu nitong Agosto 25 ng tanghali na ikinasawi ng 14 katao at ikinasugat ng 75 iba pa.

Naunang nagpahayag ng suporta si Sobejana para sa nasabing rekomendasyon upang makontrol umano ang sitwasyon sa lalawigan na sinang-ayunan naman ng Philippine National Police (PNP).

Pero hindi sinuportahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang proposal ng Army chief at pinaliwanag nito na kapipirma lang ng anti-terrorism law. Tutol din sa panukala ang lokal na gobyerno, maraming senador, mambabatas, at iba pang public official.

Dineklara ang buong Mindanao sa martial law noong Mayo 23, 2017 matapos ang naganap na Marawi siege na nagtagal nang limang buwan. Inalis ang ML noong Disyembre 31, 2019.

The post Army chief atras sa martial law proposal sa Sulu first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/army-chief-atras-sa-martial-law-proposal-sa-sulu/)

Walang komento