Recent Posts

Breaking News

Archbishop Cruz yumao: God is in good company – Lacson

Namaalam na si Senador Ping Lacson sa kanyang pumanaw na kaibigan na si dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz.

Kinumpirma ng CBCP na namatay si Cruz alas-6:45 ng umaga ngayong Miyerkoles, sa Cardinal Santo Hospital, dahil sa iniindang sakit.

Kinwento ng senador kung paanong tuwing bibisita siya sa norte, mag-uusap sila ng archbishop tungkol sa relihiyon hanggang sa mga problema ng bansa.

Nasa mabuting kalagayan aniya ang diyos ngayong sumakabilang-buhay na si Cruz.

“Goodbye Archbishop Oscar Cruz. He was such a dear friend who loved our country next to God,” tweet ni Lacson.

“I used to pass by his archdiocese in Dagupan City whenever I traveled to the north. We would discuss anything from religion to the problems besetting our country.”

“God is in good company,” aniya pa.

The post Archbishop Cruz yumao: God is in good company - Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/archbishop-cruz-yumao-god-is-in-good-company-lacson/)

Walang komento