Recent Posts

Breaking News

‘Anti-terror law solusyon umano sa terorismo sa Mindanao’

Ang pagsasabatas ng Anti-Terrorism Act of 2020 ang umano’y susi sa pagresolba sa mga krimen na gawa ng terorismo sa bansa, ayon kay Senador Ronald Dela Rosa.

Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng pagkondena sa kambal na pagsabog sa sa Jolo, Sulu na isinagawa ng dalawang babaeng suicide bomber na sinasabing may koneksiyon kay Abu Sayyaf bomber Mundi Sawadjaan, pamangkin ni Abu Sayyaf sub-leader at Islamic State (ISIS) head sa bansa na si Hajan Sawadjaan.

“Nakalulungkot isipin na sa kabila ng paghihirap at pasakit na nararanasan ng ating bansa at mamamayan dulot ng COVID-19 pandemic, nakuha pang isagawa ang karumaldumal na krimen na ito sa Jolo,” pahayag ni Dela Rosa kanyang privilege speech.

“Tunay nga na ang mga terorista ay hindi pipili ng panahon at lugar kung saan maghasik ng lagim. Ito na po yung kasagutan sa mga bumabatikos sa timing ng pagsabatas ng Anti-Terrorism Law,” dagdag pa ng chairman ng Senate committee on public order.

Ayon kay Dela Rosa, layunin ng Anti-Terrow Law na mapigilan at maparusahan ang mga gumagawa ng terorismo sa bansa.

“Despite its noble intention, many individuals and groups have raised their frantic concerns on their conceived and imagined abuses that may possibly be committed by the government in implementing this measure,” sabi ng dating Philippine National Police (PNP) chief.

“This is also a challenge to all human rights advocates to condemn this terroristic attack, and focus, not just on the ill actions done by a few members of the military and the police, but also the sufferings and sacrifices of the majority of these men for their countrymen,” dagdag ni Dela Rosa.

Hinikayat din nito ang Commission on Human Rights (CHR) na ikonsidera ang batas na ito tulad ng paningin ng mg miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng PNP.

“We have had enough of your excuses that your mandate is focused more on the human rights of the non-state actors such as the terrorist Abu Sayyaf and CPP-NPA and not the state actors – AFP and PNP. How about the human rights of their grieving families? They are non-state actors, I suppose,” punto ni Bato.

“The lesson of the recent Jolo bombing rings loud and clear: terrorism is real and it is in our midst,” diin pa nito.

The post 'Anti-terror law solusyon umano sa terorismo sa Mindanao' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/anti-terror-law-solusyon-umano-sa-terorismo-sa-mindanao/)

Walang komento