Recent Posts

Breaking News

Año sapul uli ng COVID

Nagpositibo muli sa coronavirus disease 2019 si Interior Secretary Eduardo Año.

Sa isang pahayag, nilahad niya na nakaranas siya ng flu-like symptoms gaya ng sore throat at pananakit ng katawan, Agosto 13.

Nag-self-quarantine aniya siya at nagpa-swab test kinabukasan.

Agosto 15 niya natanggap ang resulta, at nabatid na siya’y muling nagpositibo sa COVID-19.

Binabantayan na aniya siya ng kanyang mga doktor habang nasa isolation.

“I make this announcement to call the attention of all persons I had close contact with to go on self-quarantine, observe any symptoms in accordance with DOH guidelines, and take appropriate action,” sabi ng kalihim.

“I also make this announcement to emphasize the severity of the virus, and to encourage everyone to wear a mask, wash their hands frequently, and practice social distancing. By adhering to these guidelines, we can all help keep our loved ones and our community safe,” aniya pa.

Naunang mahawa sa COVID-19 si Año noong Marso.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ano-sapul-uli-ng-covid/)

Walang komento