Recent Posts

Breaking News

Angara instant crush dahil sa Harvard

Out of nowhere, bigla na lang nag-trend ang prestihiyosong unibersidad sa Amerika na Harvard.

Naglitawan sa social media, partikular sa Facebook ang ilang back-to-school pictures ng naturang unibersidad at karamihan ng nagpakalat nito ay mga Pinoy na jino-joke ang pagiging dating estudyante umano ng Harvard.

Pero bigla rin na-tigil at sandaling nanahimik ang lahat nang lumabas ang litrato ng ID ni Senator Sonny Angara sa Harvard University.

Matagal na talagang na-upload ang ID ni Sen. Angara pero ngayong nauuso nga ulit ang Harvard, napatahimik ang mga Pinoy at humanga sa senador.

Mas lalo nilang kinatuwa ang ID ni Sen. dahil ayon sa karamihan ay mukhang hindi tumatanda ang hitsura ng senador. Kung ano raw ang charm noon ay siyang charm pa rin ngayon.

Dahil dyan, hinalungkat pa nila kung saan pa ang ibang eskwelahan na pinasukan ni Sen. Angara at mas lalo pa natameme ang iba dahil natuklasan nilang pati pala sa London ay nag-aral ang politiko at marami pa ibang magagandang eskwelahan na pang-matalino raw ang pinasukan ni Angara.

Aba’y naging instant crush ng maraming millennial si Sen. dahil sa mga pang-iistalk nila, ha!

The post Angara instant crush dahil sa Harvard first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/angara-instant-crush-dahil-sa-harvard/)

Walang komento