Recent Posts

Breaking News

Alimango uunahin para iwas-baha sa airport – SMC

Gustong unahing tugunan ng pinakamalaking beermaker sa bansa ang problema ng pagbaha bago ito magtayo ng bilyong-pisong paliparan malapit sa Metro Manila.

Sa isang pahayag, sinabi ng San Miguel Corp. na magtatanim ito ng 190,000 bakawan sa coastal areas para mapigilan ang pagbaha sa lugar na balak pagtayuan ng P735.6-bilyong airport.

Para maprotektahan itong mga gubat, magpapalaki ang SMC ng 100,000 alimango kada buwan sa 10-ektaryang mangrove plantation sa Bulacan.

Sabi ni SMC President Ramon Ang, pwedeng pagkakitaan ng mga residente roon ang mga alimango.

“These flood mitigation measures are all integral to airport development. It’s important to address these environmental concerns before investing over 700 billion pesos for the airport,” aniya pa.

The post Alimango uunahin para iwas-baha sa airport - SMC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alimango-uunahin-para-iwas-baha-sa-airport-smc/)

Walang komento