Recent Posts

Breaking News

ALAMIN: Sino si Archbishop Oscar Cruz?

Sumakabilang-buhay na sa edad na 85 si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, kilalang kritiko ng gobyerno sa iba’t ibang administrasyon.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), pumanaw siya alas-6:45 ng umaga ngayong Agosto 26, 2020 dahil sa iniindang sakit.

Sinilang si Cruz noong Nobyembre 17, 1934 sa Balanga, Bataan.

Tinalaga siyang pari noong 1961 at obispo noong 1976.

Nagsilbi siya bilang auxiliary bishop ng Maynila mula 1976 hanggang sa italaga siyang Archbishop of San Fernando, Pampanga noong 1978.

Hinirang si Cruz na Archbishop of Lingayen-Dagupan noong 1991 hanggang sa magretiro ito, taong 2009.

Naging CBCP President siya mula 1996 hanggang 1999.

Bukod sa kampanya niya laban sa jueteng, binatikos din ni Cruz ang mga pang-aabuso sa loob ng Simbahang Katoliko.

Inalala rin ni Bayan secretary-general Renato Reyes Jr. kung paano nakilahok ang arsobispo sa iba’t ibang kampanya at protesta mula noong termino ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo hanggang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“I had known him when we worked together in many campaigns during the Arroyo regime. We were together in the fight vs election fraud, against the killings of activist and in the broad united front,” tweet ni Reyes.

“He did not shy away from mass actions especially after 2004, during the critical years of the Arroyo regime where protests were held in Makati and Manila.”

“Bishop Cruz remained active well into the next administration. He even joined the impeachment complaint vs Aquino over the DAP (Disbursement Acceleration Program) scheme,” aniya pa.

The post ALAMIN: Sino si Archbishop Oscar Cruz? first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-sino-si-archbishop-oscar-cruz/)

Walang komento