Recent Posts

Breaking News

ALAMIN: 13 naglahong mamamayan sa 4 na taon ng Duterte gov’t

Ngayong araw, Agosto 30, ginugunita ang Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecido o biktima ng sapilitang pagkawala.

Sa tala ng human rights watchdog Karapatan, may 13 indibidwal nang naging desaparecido sa apat na taon sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sina:
– Davis Mogul, naglaho sa Sultan Kudarat noong 2016
– Maki Bail, naglaho sa Sultan Kudarat noong 2016
– Saypudin Rascal, nawala sa Lanao del Sur noong 2017
– Joey Torres, Bayan Muna Central Luzon peasant organizer, naglaho noong 2018
– Lora Manipis, National Democratic Front of the Philippines consultant, naglaho sa North Cotabato noong 2018
– Jeruel Domingo, naglaho sa North Cotabato noong 2018
– Res Sr. Hangadon, naglaho sa Agusan del Norte noong 2018
– Honey Mae Suazo, dating secretary general ng Karapatan–Southern Mindanao Region, nawala sa Davao Del Norte noong 2019
– Deodicto Minosa ng Anakpawis, nawala sa Aurora noong 2019
– Argentina Madeja, nawala sa Samar noong 2019
– Jayson Calucin, naglaho sa Quezon ngayong 2020
– John Ardi Cacao, naglaho sa Quezon ngayong 2020
– Elena Tijamo ng Farmer’s Development Center-Central Visayas, naglaho sa Cebu ngayong 2020

Sabi ni Desaparecidos chairperson Erlinda Cadapan, sa isang press release ngayong araw, marami silang natatanggap na ulat ukol sa mga desaparecido sa Mindanao, Negros, Samar, at Bicol–mga lugar kung saan tinututok ng gobyerno ang counterinsurgency operations nito.

May mga ulat din aniya sa mga nawalang indibidwal na may kaugnayan sa drug war.

Si Erlinda ang nanay ni UP student Sherlyn Cadapan na nawawala noon pang Hunyo 2006. Samantala, ang Desaparecidos ang grupo ng mga pamilya ng mga biktima ng sapilitang pagkawala.

Nagbabala ang Desaparecidos head na posibleng dumami pa ang mga maglalahong mamamayan ngayong naisabatas na ang anti-terrorism law.

“Desaparecidos joins all patriotic and democratic forces in demanding for the junking of Duterte’s terror law. This law not only invalidates our constitutional rights, our human rights: this law also enables security forces to bring bodily harm with impunity and legality,” aniya pa.

The post ALAMIN: 13 naglahong mamamayan sa 4 na taon ng Duterte gov't first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-13-naglahong-mamamayan-sa-4-na-taon-ng-duterte-govt/)

Walang komento