Recent Posts

Breaking News

Aktibista tinumba sa Bacolod

May isa na namang aktibista na pinaslang, ngayon ay sa Bacolod City, Negros Occidental.

Pinagbabaril si Zara Alvarez bandang alas-otso ng gabi, Agosto 17, sa Eroreco, Mandalagan.

Umaga ng parehong araw, Agosto 17, nilibing na ang kinitil na Anakpawis Chairperson at NDFP peace consultant na si Randall “Ka Randy” Echanis sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Agosto 10 natagpuang tadtad ng saksak si Echanis kasama si Louie Tagapia sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa Karapatan, kabilang sina Alvarez at Echanis sa listahan ng mga pinababansagang “terorista” noong 2018.

“Like Ka Randy, she was included as among those tagged as ‘terrorists’ in proscription case of the Department of Justice filed in 2018. Her name and that of many others were stricken off the list, but the threats against her by alleged State forces continued,” sabi pa ni Karapatan Secretary-General Cristina Palabay.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aktibista-tinumba-sa-bacolod/)

Walang komento