Recent Posts

Breaking News

Akbayan kay Duterte: Mga pro-RevGov na politiko sibakin!

“Kung wala talagang kinalaman si Mr. Duterte sa panawagang RevGov, dapat niyang sisantehin mula sa posisyon ang lahat ng kanyang opisyales na sumuporta dito.”

Wika ito ni Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales, Miyerkoles, matapos dumistansya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga supporter nito na nagtutulak ng revolutionary government.

“Litmus test” umano ang hamon ng Akbayan kay Duterte na tanggalin sa posisyon ang lahat ng mga administration official na inendorso, sumuporta, at nakilahok mismo sa mga rally at iba pang aktibidad ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), ang grupo na nananawagan ng RevGov at paglipat ng bansa sa pederalismo, habang may 2 taon pa sa termino ang Pangulo.

“Simple lang. Kung wala talagang kinalaman si Mr. Duterte sa panawagang RevGov, dapat niyang sisantehin mula sa posisyon ang lahat ng kanyang opisyales na sumuporta dito. Otherwise, Mr. Duterte admits that he is a lameduck president, who has no control over his people, or the real architect of the calls for RevGov,” ani Rosales.

Napaulat na tinukoy ni MRRD-NECC deputy national spokesperson Bobby Brillante si Interior Assistant Secretary Martin Diño bilang nangungunang participant sa open call ng grupo para sa RevGov.

Dati, vocal supporter din si Interior Undersecretary Epimaco Densing III.

Samantala, kahit giniit ni Duterte na “wala akong kilala sa mga tao na ‘yan,” makikita sa pinost na mga larawan ng Presidential Communications Operations Office na mismong siya ay dumalo at nag-speech sa national convention ng MRRD-NECC sa Cuneta Astrodome noong Marso 2018.

The post Akbayan kay Duterte: Mga pro-RevGov na politiko sibakin! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/akbayan-kay-duterte-mga-pro-revgov-na-politiko-sibakin/)

Walang komento