Recent Posts

Breaking News

ABS-CBN issue tapos na! Mga korap sa PhilHealth mas masahol kesa mga drug addict – Remulla

“Hindi ba’t parang mas masakit at talaga namang nakapanghihinang isipin na yung binayaran nating KARAPATAN para sa seguridad ng atin mismong kalusugan ay binulsa ng iilan lamang?”

Ito ang pangunahing tanong ni Cavite Governor Jonvic Remulla nang ilabas niya ang kanyang opinyon hinggil sa umano’y katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Sinabi ni Remulla na kung totoo mang P15 bilyon ang binulsa ng mga umano’y kurakot sa PhilHealth, edi mas masahol ito sa pamilya Lopez na nakaiwas umano sa pagbabayad ng P15-bilyong buwis.

“Congress should go full blast in their investigation with even greater effort than they gave ABS CBN,” sabi ng gobernador sa Facebook kaninang madaling-araw.

Marapat lang din aniyang mas masahol na kapalaran ang mapala ng mga tiwaling PhilHealth official kaysa sa mga target ng giyera kontra iligal na droga ng gobyernong Duterte, pangunahin ang mga adik.

“Don’t you think these corrupt PhilHealth officials deserve a fate far worse than the targets of the War on Drugs?,” usisa ni Remulla.

“Panahon na para sampahan ng kaso ang mga nararapat makasuhan at mabigyan sila nang kanilang araw sa korte. At kung mapapatunayan ang mga paratang na ito, hindi lamang ang mga tao sa gobyerno ang dapat maparusahan.”

“Kailangang isama pati na din ang mapapatunayang mga kaalyado o kakunchaba nila sa malawakang pagnanakaw na ito sa taong bayan, maging ang mga pribadong ospital at mga corrupt na doktor (pasintabi po sa ating mga mabutihing frontliners na hindi naman sangkot at walang kinalalaman sa iskandalo na ito),” aniya pa.

The post ABS-CBN issue tapos na! Mga korap sa PhilHealth mas masahol kesa mga drug addict - Remulla first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/abs-cbn-issue-tapos-na-mga-korap-sa-philhealth-mas-masahol-kesa-mga-drug-addict-remulla/)

Walang komento