Recent Posts

Breaking News

80 pang pulis sapul ng COVID

Pumalo na sa 3,751 ang kabuuang bilang ng mga parak sa bansa na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kasi sa Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes, may naitala silang 82 bagong kaso ng coronavirus sa hanay nila.

Sa nasabing bilang, sinabi ng PNP Public Information Office na 30 ang mula sa Metro Manila; 17 mula Calabarzon; 14 mula Central Luzon; walo mula Zamboanga Peninsula; anim mula sa tanggapan ng PNP National Operational Support Unit; apat mula Western Visayas; dalawa mula Central Visayas; at isang mula sa Bicol.

Samantala, may tatlong bagong gumaling mula sa COVID-19 kaya ang kabuuang dami na ng parak na virus survivor ay 2,629.

Nanatili naman sa 16 ang COVID-19 death toll sa hanay ng pulisya.

The post 80 pang pulis sapul ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/80-pang-pulis-sapul-ng-covid/)

Walang komento