Recent Posts

Breaking News

7 suspek sa pagpatay sa NCMH chief natukoy, kinasuhan na

Nakilala na at sinampahan na rin ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang pitong suspek sa ambush kay National Center for Mental Health chief Roland Cortez at driver nito noong Hulyo.

Sabi ni QCPD’s Criminal Investigation and Detection Unit head Elmer Monsalve, kabilang si NCMH chief administrative officer Clarita Avila sa mga sangkot sa pananambang at pagpaslang kay Cortez.

Batay naman aniya sa mga saksi, si NCMH worker Harly Pagarigan umano ang gunman.

“Ang lumalabas na motibo dito [ay] ang trabaho ni Dr. Cortez to fight corruption sa NCMH,” lahad ni Monsalve sa isang briefing ngayong Martes.

The post 7 suspek sa pagpatay sa NCMH chief natukoy, kinasuhan na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-suspek-sa-pagpatay-sa-ncmh-chief-natukoy-kinasuhan-na/)

Walang komento