Recent Posts

Breaking News

53 pts ni Warren nagtaob sa 76ers

Nagliyab si TJ Warren ng career-high 53 points mula 20 of 29 shooting, 9 for 12 mula 3-point range, at pinahiya ng short-handed Indiana Pacers ang Philadelphia 76ers 127-121 Sabado ng gabi sa NBA sa Orlando.

Wala sa Pacers sina big man Domantas Sabonis (plantar fasciitis) at point guard Malcolm Brogdon (cervical strain).

Sa first quarter pa lang, may 19 points na si Warren tungo sa 35-29 lead ng Pacers.

Nanlamig nang bahagya si Warren sa third at inagaw ng Sixers ang manibela 95-86 papasok ng fourth.

Pero muling nagsalansan ng 19 markers si Warren sa final 8:03, may isang yugto na umiskor sa tatlong sunod na possessions.

Sa basket nina Joel Embiid at Tobias Harris, dumikit sa tatlo ang Philadelphia 30 seconds na lang, bago sumagot ng pamatay-sunod na 3 si Warren.

“Just doing what I do best – just putting the ball in the hole,” ani Warren sa FOX Sports Indiana.

Apat na beses lang bumiyahe sa stripe si Warren, naging pangatlong player na umiskor ng 50+ na may mas mababa sa five free throws pagkatapos nina Steph Curry at Klay Thompson.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/53-pts-ni-warren-nagtaob-sa-76ers/)

Walang komento