Recent Posts

Breaking News

5 araw lang bakasyon ng 6 PhilHealth regional VP

Lumalabas na limang araw lang ang leave of absence ng anim na regional vice president ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na binalita nitong Linggo na magbabakasyon muna habang iniimbestigahan ang mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya.

Nilinaw din ni PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo, sa panayam sa Teleradyo nitong Lunes ng umaga, na wala pang inihahain na pormal na leave of absence ang anim na regional vice president.

“`Yong anim na sinasabi wala pang formal na leave of absence,” ayon kay Domingo bagama’t nagpahayag na umano ang mga nasabing opisyal ng kanilang intensyon na maghahain ng leave of absence.

Subalit sinabi ni Domingo na limang araw lang magbabakasyon ang mga opisyal.
Kapag nag-leave aniya ay kailangang mag-file nito at sabihin kung sa anong dahilan gayundin kung ilang araw.

“Sa pagkaalam ko five days lang sila. This week sila magli-leave,” sabi ni Domingo.

Tiniyak naman ni Domingo na walang epekto ang pagbabakasyon ng mga opisyal ng PhilHealth dahil mayroon namang mga “next in line” sa kanilang hanay.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-araw-lang-bakasyon-ng-6-philhealth-regional-vp/)

Walang komento