Recent Posts

Breaking News

400 Pinoy mula Sabah dumating sa Zamboanga

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development-9 (DSWD-9) na dumating sa bansa ang may 400 Pilipino mula Sabah, Huwebes ng gabi sakay ng isang commercial vessel.

Ayon kay DSWD-9 spokesperson Ivan Eric Salvador, sila ang ikatlong batch ng mga Pilipino na nagmula sa Sabah.

Binigyan sila ng makakain, mga family food pack at hygiene kit.

Lahat sila ay negatibo sa coronavirus disease.

Hanggang Biyernes, ani Salvador, kabuuan nang 1,189 Pilipino mula Sabah ang naiuwi sa kani-kanilang home province.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/400-pinoy-mula-sabah-dumating-sa-zamboanga/)

Walang komento