Recent Posts

Breaking News

300 nagtipon para sa RevGov, Cha-cha

Tinutulak ng nasa 300 katao, mga kasapi ng pro-Duterte group, ang charter change (Cha-cha) at pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng revolutionary government (RevGov).

“Dahil sa kainipan namin, nagsama-sama kami para tulungan ang President na maisulong ang pagbabagong ipinangako niya. Ang hinahanap natin dito ‘yung katuparan ng pangako,” ani Bobby Brillante, ang deputy national spokesperson ng MRRD-NECC.

Ang ibig sabihin ng acronym ay Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee.

Dumalo si Brillante sa manifesto signing ng mga grupo sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga na nananawagan ng RevGov at paglipat ng bansa sa pederalismo, habang may 2 taon pa sa termino si Duterte.

“This is a people’s initiative type na hindi na kami makakahintay sa Congress para mabago pa,” sabi ni Brillante.

“The manifesto that we have today will be the basis of our unity. Considering there is a limited time remaining [in] his term, kailangang i-revolutionize natin ang process of change and we cannot leave this Congress,” aniya pa.

Sa liham ng MRRD-NECC kay PNP chief Archie Gamboa, sinabi ng koalisyon na gusto nilang “pamunuan ni Duterte ang RevGov sa ilalim ng revolutionary constitution na magtatagal hanggang Dis. 31, 2021, na susundan ng halalan sa ilalim ng naamiyendahang konstitusyon…sa federal na porma ng gobyerno.”

Matapos ang pagtitipon sa Pampanga, maglulunsad daw ang mga pro-Duterte group ng nationwide caravan at sabay-sabay na pagkilos sa iba’t ibang lalawigan para hikayatin pa ang ibang tao sa kanilang panawagan.

“Ang expected culmination natin dito is to go to Malacanang and inform the President that the Filipino people are already seeking the real change,” sabi ni Brillante.

Magtatapos ang termino ni Duterte sa 2022. Ang sunod na presidential election ay magaganap sa Mayo 9 ng nasabing taon.

The post 300 nagtipon para sa RevGov, Cha-cha first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/300-nagtipon-para-sa-revgov-cha-cha/)

Walang komento