Recent Posts

Breaking News

3 mosque sa Marawi itatayong muli

Sisimulan na ng gobyerno ang muling pagtatayo ng tatlong mosque sa Marawi City, tatlong taon matapos ang 5-buwang siege doon at habang nananalasa ang COVID-19 pandemic.

Ayon ito kay Task Force Bangon Marawi (TFBW) chairperson Secretary Eduardo del Rosario, Sabado.

Gagamitin aniya nila ang escrow fund ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at iba pang private developer.

“This is a milestone in the history of the Department and Task Force Bangon Marawi,” ani del Rosario sa ulat ng PNA.

“For the first time, we will use the escrow donation component for the building of the first three mosques inside the most affected area,” dagdag niya.

Naglaan ang task force ng P15.5 milyon para sa White Mosque sa Barangay Lumbac Madaya; P12.25 milyon para sa Masjid Ditomangcop sa Barangay Gaguduban; at P4.39 milyon para sa Masjid Darussalam sa Barangay Raya Madaya.

Bukod sa tatlo, tinitingnan aniya ng gobyerno na muling buuin ang humigit-kumulang 30 mosque, kabilang ang Dansalan Bata Mosque at ang Grand Mosque, gamit ang pinansiyal na donasyon ng mga pribadong organisasyon.

Nangako si Del Rosario na matatapos ang rehabilitation pagsapit ng Disyembre 2021.

The post 3 mosque sa Marawi itatayong muli first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-mosque-sa-marawi-itatayong-muli/)

Walang komento