Recent Posts

Breaking News

3 mangingisda sa Batanes natagpuan na

Good news: nahanap na nitong Huwebes ang tatlong mangingisda sa Batanes na dineklarang nawawala noong Sabado.

Tinuring na nawawala ng Batanes provincial government ang tatlo, Agosto 22, matapos nilang hindi makabalik sa daungan sa kasagsagan ng masamang panahon.

Agosto 27, napaulat na sinagip ng grupo ng lokal na mangingisda sina Eduardo Elica, 35; Antonio Lizardo, 53; at Tinong Alviso, 45 na nasa Di’nem Island.

Sabi ni Dennis Asa, kasama sa mga rescuer, una nilang naispatan ang sirang bangka sa isla. Pumunta pa rin sila roon kahit malakas ang alon, nagbabaka-sakaling matagpuan ang tatlo na limang araw nang nawawala.

Kwento ni Elica, naabutan sila ng masamang panahon habang binabagtas ang hilagang karagatan ng Batanes. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Di’nem para hindi mameligro sa mabagsik na dagat na dulot ng Tropical Storm ‘Igme’.

May nakita rin aniya silang dumaang eroplano ng Navy kaso masyadong mataas ang lipad para mapansin sila.

Sa ngayon, minomonitor pa rin ng awtoridad ang kalusugan ng mga natagpuang mangingisda pero kasama na naman nila ang kani-kanilang mga pamilya.

The post 3 mangingisda sa Batanes natagpuan na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-mangingisda-sa-batanes-natagpuan-na/)

Walang komento