Recent Posts

Breaking News

3-anyos nilipad ng sarangola

Ligtas naman ang isang tatlong taong gulang na babae matapos tangayin ng isang saranggola.

Kasali ang hindi natukoy na batang babae sa isang kite festival sa Nanlioao sa sa Taiwan, Linggo, nang sumabit ito sa strings ng isang orange na saranggola.

Makikita sa video ng insidente na ilang beses itong umikot sa ere at umangat nang ilang metro sa mga manonood na pinilit na mapababa ang saranggolang tumangay sa bata.

Napaulat na natakot ang 3-anyos na babae pero hindi naman daw ito nagtamo ng alinmang sugat matapos ang insidente.

The post 3-anyos nilipad ng sarangola first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-anyos-nilipad-ng-sarangola/)

Walang komento