Recent Posts

Breaking News

218 aftershock naitala sa Masbate – PHIVOLCS

Naglabas ng update ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hinggil sa naganap na 6.6 earthquake sa Masbate nitong Martes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, natunton ang epicenter ng lindol pitong kilometro mla sa Cataingan, Masbate at may lalim na 21 kilometro.

Sa kanilang monitoring hanggang alas-kuwatro ng umaga nitong Miyerkoles, Agosto 19, ay nakapagtala na ng 218 aftershock na magnitude 1.6 hanggang 4.4.

The 18 August 2020 M6.6 earthquake was felt with a maximum ground shaking intensity of PEIS VII (Destructive),” ayon sa PHIVOLCS.

Ayon sa PHIVOLCS, ang huling malakas na lindol na naranasan sa Masbate ay naitala sa magnitude 6.2 noon pang Pebrero 15, 2003.

“This earthquake generated an approximately 23-km long surface rupture. The maximum ground shaking intensity was felt at PEIS VIII (Very Destructive) within the epicentral area,” sabi ng PHIVOLCS.

Naramdaman umano ang lindol hanggang sa Kalbo, Aklan na 200 kilometro ang layo mula sa epicenter nito.

Ipinaliwanag pa ng PHIVOLCS na isa ang Masbate sa “seismically active regions” sa bansa dahil sa presensya ng mga active fault kabilang dito ang Masbate segment ng Philippine Fault at posibleng mula rin sa Uson Fault at sa Southern Masbate Fault.

“There are other nearby local faults, some of which may be covered by recent deposits, and offshore active faults that could be sources of minor to strong earthquakes,” ayon sa PHIVOLCS.
Sa tanong kung indikasyon ang naganap na lindol sa posibleng volcanic activity ay itinanggi ito ng PHIVOLCS at sinabing ang pinakalamapit na aktibong bulkan – Biliran Volcano – ay 65 kilometro ang layo mula sa epicenter at tectonic ang origin ng lindol sa Masbate.

Asahan na umano ang minor hanggang moderate na mga aftershock subalit hindi rin isinasantabi ng PHIVOLCS na magkaroon pa ng malakas na paglindol. Maaaring magpatuloy pa umano ito ng ilang araw o linggo.

Sinabi rin ng PHIVOLCS na hindi magdudulot ng tsunami ang naganap na lindol.

No. Although the epicenter of the 18 August 2020 M6.6 event is offshore, no destructive tsunami waves were generated because there was no significant vertical displacement of the seafloor,” ayon sa PHIVOLCS.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/218-aftershock-naitala-sa-masbate-phivolcs/)

Walang komento