Recent Posts

Breaking News

2 Tsino na ulo ng ‘Manila, Province of China’ company pinade-deport

Nakipag-usap na ang Manila City government sa Bureau of Immigration ukol sa pagpapatapon ng dalawang Chinese national pabalik sa kanilang bansa, dahil binastos umano ng mga ito ang Pilipinas.

Ayon sa communication ni Mayor Isko Moreno Domagoso kay BI Commissioner Jaime Morente, sina Shi Zhong Xing at Shi Li Li ang mga incorporator ng Elegant Fumes Beauty Products, Inc. (EFBPI).

Naging trending sa social media ang larawan ng isang cosmetic product ng EFBPI dahil sa nakalagay sa label nito na:

“Address: 1st Floor, 707 Sto. Cristo Street, San Nicolas, Manila Province, P.R. China”

Dahil dito, sabi ng alkalde, hinamak ng kompanya ang soberanya ng Pilipinas at ininsulto ang mga awtoridad nito.

Nilabag din daw ng EFBPI ang iba pang batas gaya ng Consumer Act, Food and Drug Administration Act, at online selling na walang kaukulang permit.

Kaya hiniling ng pamunuan ng Maynila na ikasa na ng BI ang deportation proceedings laban sa dalawang nabanggit na dayuhan.

Handa raw ang lokal na gobyerno na magsumite ng mga relevant document na maaaring magamit sa deportasyon.

“Being incorporators, and in effect owners of the corporation, they should be held responsible for the violations committed by EFBPI,” sabi ni Moreno sa liham sa BI.

“Their utter disrespect to the country as shown by the violations of EFBPI should not be countenanced. We cannot let these foreign nationals insult our nation and our people,” dagdag niya.

The post 2 Tsino na ulo ng 'Manila, Province of China' company pinade-deport first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-tsino-na-ulo-ng-manila-province-of-china-company-pinade-deport/)

Walang komento