Recent Posts

Breaking News

2 Pinay na biktima ng human trafficking na-rescue sa US

NEW YORK – Pansamantalang kinukupkop ngayon ng grupong Filipino of New York ang dalawang Pinay na tumakas sa kanilang Arabong amo sa Boston, USA.

Tumakas sina Alma na tubong Davao at Jenny na tubong Cebu sa kanilang amo ng makakuha ng pagkakataon noong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa biktimang si Jenny mula sa Abu Dhabi ay dinala sila ng kanilang amo sa Boston para mag-alaga ng anak ng kanilang amo na sasailalim sa isang operasyon sa isang pagamutan sa Boston.

Bagamat wala sa kanilang kontrata ang pagpunta sa Amerika ay napilitan na rin umano silang sumama sa pangakong dalawang buwan lang sila mananatili sa Boston.

Pero inabot na ng isang taon ay hindi pa rin daw siya pinapauwi ng kanilang amo kung saan nitong Hulyo nag expired ang kanyang visa.

Kwento naman ni Alma, $1.00 per hour lang daw ang ibinabayad sa kanila ng kanilang amo taliwas sa $12 dollars na standard wage rate na itinakda ng US Embassy sa Abu Dhabi.

Bukod pa dito hindi din daw sila pinapayagan lumabas ng bahay at pinapatulog sa isang maliit na kwarto na walang heater at aircondition.

Mala aso daw kung tratuhin sila ng kanilang amo at palagi daw silang tinatakot.

Isa daw opisyal sa gobyerno ng Abu-Dhabi ang kanilang amo kaya ganun na lang daw ang takot ng mga biktima.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Grupong Filipino of New York ang dalawang biktima at nakatakdang dumulog sa kinauukulan para humingi ng talong.

The post 2 Pinay na biktima ng human trafficking na-rescue sa US first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pinay-na-biktima-ng-human-trafficking-na-rescue-sa-us/)

Walang komento