Recent Posts

Breaking News

2 pang quarantine area bubuksan sa QC

Dahil inaasahan ang pagtaas pa ng bilang ng mga mahahawa sa COVID-19, magbubukas ang Quezon City government ng dalawa pang quarantine facility sa lungsod.

Sabi ni QC Mayor Joy Belmonte, Linggo, bubuksan sa susunod na linggo ang isolation site sa Talipapa Senior High School building.

Magkakaroon aniya ito ng 67-bed capacity para sa mga mild at asymptomatic COVID-19 case ng lungsod.

Samantala, bubuksan din sa hindi pa takdang panahon ang facility sa Quezon City General Hospital compound. Nakatakda itong magkaroon ng 336-bed capacity, ayon pa sa alkalde.

Bumili ang lokal na gobyerno ng 4 dialysis machine at 10 kama para sa mga COVID-19 dialysis patient sa nasabing pasilidad.

The post 2 pang quarantine area bubuksan sa QC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pang-quarantine-area-bubuksan-sa-qc/)

Walang komento