Recent Posts

Breaking News

2 pang kawani ng Kamara, tinamaan ng COVID

Dalawa pang empleyado ng House of Representatives ang nadapuan ng respiratory illness na coronavirus disease 2019.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, Miyerkoles, ang isa ay mula sa Committee on Rules habang mula sa Grounds Maintenance group ang ikalawang nagpositibo sa COVID-19 test.

Kasalukuyan na raw nagsasagawa ng contact tracing hinggil sa dalawang bagong pasyente.

Dahil dito, umakyat na sa 42 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mababang kapulungan.

Hindi pa kasama rito si Senior Citizens partylist Representative Francisco “Jun” Datol Jr., na pumanaw sa acute respiratory distress dulot ng COVID-19.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pang-kawani-ng-kamara-tinamaan-ng-covid/)

Walang komento