Recent Posts

Breaking News

2 pang House employee nahawa sa virus

Dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang nakumpirma sa House of Representatives ngayon ding araw.

Dahil dito, 54 na ang mga virus case sa Kamara.

Sabi ni House Secretary General Jose Luis Montales, ang dalawang manggagawa ng Kamara ay magkapatid at nakatira sa iisang bahay.

Ang unang pasyente ay isang staff member ng Human Resources Management Service na huling pumasok sa trabaho noong Hulyo 29.

Ang pangalawa ay mula sa engineering department na huling pumasok noong Agosto 14 at 17. Wika ni Montales, nagpakita ito ng sintomas ng sakit noong Agosto 17.

Nagsasagawa na aniya ng contact tracing.

Kanina lang, sinabi ni Montales na naitala na ang pang-52 pasyente sa Kamara: isang congressional staffer na huling nagpunta sa Kamara, Hunyo 15.

The post 2 pang House employee nahawa sa virus first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pang-house-employee-nahawa-sa-virus/)

Walang komento