Recent Posts

Breaking News

1K pang jeep balik-pasada na

Higit 1,000 pang traditional jeepney ang kinilalang roadworthy at papayagan nang rumonda sa kalsada ng National Capital Region simula Miyerkoles, Agosto 26.

Ito matapos magkasa ng protesta ang mga transport collective na nananawagan ng balik-pasada.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Lunes, 1,333 dagdag na public utility jeepney ang babiyahe sa 23 ruta sa Metro Manila:

T132 Napocor Village/NIA Ville – SM North EDSA
T133 NAPOCOR/NIA Ville – Mindanao Ave. Congressional
T134 Bagbaguin – Malinta
T234 Katipunan – Marcos Ave./University Ave. via UP
T369 Libertad – PRC
T370 Santol – Pina Ave. via Buenos Aires
T371 Blumentritt – Divisoria
T372 Blumentritt – Libertad via Sta. Cruz, L. Guinto
T373 Libertad – Retiro via Mabini, Sta. Cruz, L Guinto
T374 España – Rizal Ave. via Blumenttrit
T375 Blumentritt – Retiro
T376 Arroceros – Blumentritt via Dimasalang
T377 Ayala – P. Burgos/J.P. Rizal
T378 Baclaran – Blumentritt via Mabini, Sta. Cruz
T379 Baclaran – Blumentritt via Quiapo/Mabini
T380 Dapitan – Pier South
T381 Divisoria – Libertad via L. Guinto
T382 Divisoria – Libertad via Mabini
T383 Divisoria – TM Kalaw via Jones Bridge
T384 España – Project 2&3 via Timog Ave.
T385 Project 4 – TM Kalaw via Cubao, E. Rodriguez
T386 Pier South – Retiro via Sta. Cruz
T405 Multinational Village – Gate along Imelda Ave.

Dahil dito, umakyat sa 13,776 ang kabuuang bilang ng mga nakababiyahe nang mga jeep.

Pero kung tutuusin ay maliit pa ito, ayon sa tantiya ng transport group Piston, dahil 19 porsiyento pa lang anila ito ng tinatayang 74,000 traditional PUJs na apektado ng pagsuspinde ng gobyerno sa mass transport mula Marso.

Patuloy pa rin sa panawagan ang Piston na lahat ng ruta ay palabasin na upang hindi na anila mapilitan ang mga tsuper at operator na mamalimos para makakain ang kani-kanilang mga pamilya habang may quarantine.

The post 1K pang jeep balik-pasada na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1k-pang-jeep-balik-pasada-na/)

Walang komento