Recent Posts

Breaking News

17K public school classroom pwedeng COVID quarantine area

Lampas 17,000 classroom sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila ang posibleng magamit bilang COVID-19 isolation o quarantine facility.

Sabi ito ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ngayong Huwebes, Agosto 13.

Una nang kinumpirma ng Palasyo na 50 percent ng mga public school ng NCR ang gagawing pansamantalang quarantine site.

“This can translate to 17,910 classrooms. Kung isama natin ang mga private schools, na nandito rin sa NCR [National Capital Region] at kung papayag sila, ay lalong lalaki itong numerong ito,” sabi ng kalihim sa isang online Palace briefing.

Nakikipagtulungan na aniya ang DepEd sa Department of Health tungkol sa dami ng mga health worker na ide-deploy sa mga silid-aralan na magiging isolation area.

“We’re now working out the numbers with the Department of Health para ma-correlate naman sa kanilang capacity dahil kung may quarantine centers, kailangan naman na may magbabantay na galing sa Department of Health at saka magmomonitor,” wika pa ni Briones.

Sa Agosto 24 na magsisimula ang mga klase via distance learning, o pag-aaral sa pamamagitan ng printed at digital module, online class, telebisyon, at/o radyo.

Naunang sinabi ni Presidente Rodrigo Duterte na sa Enero 2021 pa pwedeng isagawa ang mga face-to-face class sa ilang lugar sa bansa na mababa ang kaso ng COVID-19.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/17k-public-school-classroom-pwedeng-covid-quarantine-area/)

Walang komento