Recent Posts

Breaking News

1,333 jeepney pa pinayagang bumiyahe simula Agosto 26

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbiyahe ng karagdagang 1,333 na mga traditional jeepney sa 23 ruta sa Metro Manila simula sa Miyerkoles, Agosto 26.

Base ito sa Memorandum Circular 2020-040 kung saan pinayagang bumiyahe ang mga jeep sa mga rutang nakasaad dito na hindi na kinakailangan pa ang special permit.

“Kapalit naman ng SPECIAL PERMIT ay ang QR Code na ibibigay sa bawat operator bago pumasada. Ang QR Code ay dapat naka-print sa short bond paper at naka-display sa PUJ unit. Maaari itong i-download QR Code mula sa website ng LTFRB (www.ltfrb.gov.ph) simula bukas ng hapon, 25 Agosto 2020,” nakasaad sa anunsyo ng DOTr nitong Lunes.

Kaugnay nito, pinaalala rin ng DOTr na walang ipatutupad na taas pasahe sa mga jeep maliban na lamang kung may anunsyo mula sa LTFRB. Sa ngayon umano ay nasa P9.00 para sa unang apat na kilometro at P1.50 sa mga Kailangan din na nakarehistro sa Land Transportation Office (LTO) ang pampasaherong jeep bilang “roadworthy” o maayos pa para bumiyahe at mayroong balidong Personal Passenger Insurance Policy.

“Kabilang din sa mga requirements para mag-operate ang Traditional PUJs ay ang pagsunod sa safety measures alinsunod sa mga alintuntunin ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad ng pagsuri sa body temperature, pagsusuot ng face mask/shield at gloves sa lahat ng oras, at ang pag-operate ng 50% maximum passenger capacity ng PUJ,” ayon pa sa DOTr.

The post 1,333 jeepney pa pinayagang bumiyahe simula Agosto 26 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1333-jeepney-pa-pinayagang-bumiyahe-simula-agosto-26/)

Walang komento