Recent Posts

Breaking News

13 PhilHealth official sinuspinde, Roque nabuhayan ng pag-asa

May nakikitang pag-asa si Presidential Spokesperson Harry Roque para sa pagpapatupad ng Universal Health Care program matapos suspindehin ng Ombudsman ang 13 opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation.

Sinabi ni Roque na nagagalak siya sa pinakahuling development sa kontrobersiya sa PhilHealth dahil magkakaroon na ng magandang kinabukasan ang Universal Healthcare.

“Ngayong nagkaroon ng kauna-unahang preventive suspension order galing sa Ombudsman, lumilinaw na po ang kinabukasan ng ating universal healthcare,” ani Roque.

Giniit ni Roque na hangga’t hindi nalilinis ang hanay ng PhilHealth ay hindi magtatagumpay ang layunin ng UHC na mabigyan ng libreng pagpapagamot at libreng gamot ang mga Pilipino.

Mahalaga aniyang mabigyan ng pag-asa ang taumbayan lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil malaking bagay na sagot ng gobyerno ang gastos sa kanilang pagkakasakit.

“Dati ko na pong sinasabi na hangga’t hindi malinis ang hanay ng PhilHealth eh baka hindi magtatagumpay iyong ninanais nating magkaroon ng libreng paggamot at libreng gamot sa lahat,” dagdag ni Roque.

The post 13 PhilHealth official sinuspinde, Roque nabuhayan ng pag-asa first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/13-philhealth-official-sinuspinde-roque-nabuhayan-ng-pag-asa/)

Walang komento