Recent Posts

Breaking News

1 linggong nakapiit, Anakpawis paralegal nahawa sa COVID-19

Pulisya ang sinisisi ng Anakpawis matapos magpositibo sa COVID-19 si Paolo Colabres, ang paralegal ng grupo na inaresto habang sinusubaybayan ang labi ng pinaslang na NDFP consultant na si Randall “Randy” Echanis.

Ayon sa grupo, iligal na inaresto at dinetine si Colabres ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nang isang linggo.

Kinasuhan ito ng obstruction of justice at nakapiit sa Camp Karingal, at nakalaya lang noong Agosto 18 matapos magpiyansa nang P36,000. Agad umano itong nag-self-isolate at sumailalim sa coronavirus swab test.

Agosto 24, natanggap ni Colabres ang resulta ng kanyang swab test: nagpositibo siya sa COVID-19.

“If not for Colabres’ illegal arrest and prolonged detention, he would have not acquired the coronavirus,” sabi ni dating Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao sa isang pahayag.

“We pin the blame on the QCPD for compromising his health by placing him in a congested jail, and moreover, for the delay of his release. The QCPD did not only endanger the health of Colabres, but also the entire prison population,” aniya pa.

Pinasasagot ng Anakpawis sa QCPD ang pampagamot ng paralegal. Dapat din anilang managot ang pulisya sa iligal na pagdakip kay Colabres.

Sa ngayon, naka-self-home quarantine si Colabres at nagpapagaling.

The post 1 linggong nakapiit, Anakpawis paralegal nahawa sa COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-linggong-nakapiit-anakpawis-paralegal-nahawa-sa-covid-19/)

Walang komento