Recent Posts

Breaking News

We Heal Aswang! Agot tinira ng mga DDS

Hindi natuwa ang mga tagasuporta ng gobyernong Duterte sa banat ni singer Agot Isidro.

Nag-post kasi ito sa Twitter ng maikling video na naglalaman ng paiba-ibang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa COVID-19, at mga ulat ukol sa nakamamatay na sakit.

Caption pa ni Agot, “We Heal Aswang” na pag-iiba sa pandemic motto ng pamahalaan na “We Heal as One”.

May mga natuwa sa pagiging “witty” ng singer, habang may ilang Diehard Duterte Supporter na pinagtanggol ang gobyerno.

@Cristylin13: “Ikaw ang mukhang aswang”

@islandboy_29: “Ngawa ka ng ngawa..palibhasa sarado na network mu kaya gigil ka kay digong…sana tuluyan ka ng malaos”

@ajkade02: “Ang miserable siguro ng buhay mo. Wala ka na ginawa kundi hanapan ng mali ang gobyerno ang perfect mo kasi.”

Umani na ang tweet ni Isidro ng 7,000 retweets and comments, at 17,500 likes.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/we-heal-aswang-agot-tinira-ng-mga-dds/)

Walang komento