Recent Posts

Breaking News

Walang patawad! Marcoleta, NTC target din ibagsak ang Sky Cable

Hindi nakatuntento ang ilang kongresista sa pagkait ng prangkisa sa ABS-CBN Corp.

Ayon kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta, humihingi na ng payo si National Telecommunications Commission (NTC) commissioner Gamaliel Cordoba kay Solicitor General Jose Calida kung papaano mapapatigil ang operasyon ng cable operator ng ABS-CBN na Sky Cable.

Ayon kay Marcoleta, hindi umano sapat para sa Kongreso na matangal lang sa free television ang ABS-CBN, at ngayon ay nais ding tanggalin ang broadcast ng network sa cable TV, kung saan hindi kailangan ng prangkisa para mag-operate ngunit ipinipilit ni Marcoleta na dapat ay tinigil din ang operasyon nito nang mapaso ang prangkisa ng Kapamlya network.

“Yung EO ni Mrs. [Cory] Aquino ang ipinipilit na authority. Sabi ko sa NTC pag-aralan at tatamaan ka uli, may resolution kami (na contempt kay Cordoba). ‘Di ka pa kako pasado dito. ‘Pag ‘di mo tiningnan EO 205, alanganin ka pa dito. Kailangan isara ang one, last service na Sky Cable,” ayon kay Marcoleta.

Paliwanag ni Marcoleta, ‘inconsistent’ umano ang EO 205 ni dating Pangulong Cory Aquino, na naunang mapasa bago malatag ang 1987 Constitution.

Sagot naman ni Cordoba, hindi pa makaaksyon ang NTC dahil wala pang ruling ang Korte Suprema ukol sa validaty ng EO 205.

“Eh ‘di isara mo (Sky Cable), para magdedemanda ang ABS-CBN, makakarating sa SC. Iyon lang ang paraan para the SC will review that EO,” ani pa ni Marcoleta.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/walang-patawad-marcoleta-ntc-target-din-ibagsak-ang-sky-cable/)

Walang komento