Recent Posts

Breaking News

‘Wag hugas kamay! Kean, Robi, Nadine may sey noong SONA

Ilang oras bago magsimula ang ikalimang SONA ni Pangulong Duterte, isang hindi inaasahang iskandalo ang nangyari sa Quiapo Church nitong Lunes habang may misa.

Sinugod ng dalawang awtoridad ang ilang miyembro ng Akbayan group upang kumpiskahin ang mga placard na dala nila.

Nakuhanan ng video ng isa pang miyembro ang insidente at agad ipinost sa social media, na hindi rin nagtagal ay mabilis kumalat at marami ang nabahala sa pangyayari.

Sina Kean Cipriano at Robi Domingo, nabalitaan at nakita ang video ng insidente kaya hindi pinalampas na maglabas ng hinaing tungkol dito.

“I AM SO MAD. Seryoso ba? Sa simbahan? Sa gitna ng misa? Bakit nyo ginagawa to????????” nag-aapoy na reaksyon ng Callalily vocalist.

“Wala na talaga silang sinasanto. Are we still in a democratic nation? I think not,” sey naman ni Robi.

Samantala, habang nangyayari ang SONA ng Pangulo, nag-post si Nadine Lustre ng kanyang panawagan sa gobyerno.

“Pagbabago, hindi abuso. Pagkakaisa, hindi mang-isa. Hawak kamay, wag hugas kamay. I’m a Filipino and I stand for my country. We deserve better,” sey ng aktres.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wag-hugas-kamay-kean-robi-nadine-may-sey-noong-sona/)

Walang komento