Recent Posts

Breaking News

Villafuerte sa mga Lopez: ABS-CBN ibenta na lang

Para kay House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte Jr. mas makabubuting ibenta na lamang ng pamilya Lopez ang ABS-CBN kung tunay na may malasakit ito sa kanilang 11,000 empleyadong mawawalan ng trabaho matapos na ibasura ng House committee on legislative franchises ang
aplikasyon ng network para sa bagong prangkisa.

“My suggestion to the Lopez family, they just sell the corporation, and if they really love the 11,000 employees or more and if they really want to serve the Filipino people, ibenta na lang nila `yong k0mpanya,” ayon kay Villafuerte sa isang panayam sa telebisyon.

Ngunit paglilinaw ng kongresista, ito’y personal lamang niyang suhestiyon.

“This is just a suggestion. Tutal the Lopez family naman earned already billions and they have other companies. It is just a suggestion, of course. The decision is really entirely up to them,” ayon pa kay Villafuerte.

Tiyak marami aniyang malalaking korporasyon ang kayang magbigay ng kapital para patakbuhin ang network kung magpasya ang mga Lopez na ibenta ito.

Muli pang pinaninidigan ni Villafuerte ang kanyang pagboto kontra sa pagkakaloob ng panibagong prangkisa ng network sa kadahilanang nakita niya ang mga paglabag diumano ng network partikular ang hindi pagbabayad ng buwis gayundin ang kuwestiyonableng citizenship ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio `Gabby’ Lopez III.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/villafuerte-sa-mga-lopez-abs-cbn-ibenta-na-lang/)

Walang komento