Recent Posts

Breaking News

Vice Ganda, Gonzaga sisters banggaan sa MMFF 2020

Hindi mapipigilan ng pandemic ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayon taon.

Inanunsyo ng mga organizer ng festival ang apat na official entries.

Ito’y ang “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” ng Regal Entertainment kung saan bida si Joshua Garcia.

“Magikland” ng Brightlight Leisure Productions Inc. at Gallaga Reyes Films, tampok sina Jun Urbano, Migs Cuaderno, Bibeth Orteza at Elijah Alejo.

“Praybeyt Benjamin 3” ng ABS-CBN Film Productions Inc. at Viva Communications Inc. na starring si Vice Ganda.

“The Exorcism of My Siszums” (working title) ng Tincan, kung saan mapapanood ang magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga.

Pinapalabas sa mga sinehan nationwide ang mga MMFF film tuwing Disyembre.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/vice-ganda-gonzaga-sisters-banggaan-sa-mmff-2020/)

Walang komento