Recent Posts

Breaking News

VAT sa digital transaction lusot sa House committee

Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means on ang panukalang batas na nagpapataw ng 12-percent value added tax (VAT) sa mga digital transaction.

Aamiyendahan nitong panukala ang ilang seksiyon sa National Internal Revenue Code of 1997 para mapatawan ng buwis ang mga transaksiyon na gagawin online.

Ang aprubadong bersiyon ay isang substitute bill para sa mga inihain ng iba pang mambabatas.

Una nang nagsampa si Albay Rep. Joey Salceda ng panukala para mabuwisan ang Google, Facebook, Netflix, Spotify, at iba pang global internet company na nagnenegosyo rito sa bansa.

Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na “kritikal” ang pagbubuwis sa digital services lalo ngayong digital na ang pagkonsumo ng mga consumer dahil sa pandemyang COVID-19.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vat-sa-digital-transaction-lusot-sa-house-committee/)

Walang komento